Dinagsa ang kauna-unahang Basketball with the Stars na ginanap sa Urdaneta City noong Disyembre 4, 2016. Ang nasabing event ay naitanghal sa suporta ng lokal na pamahalaan ng Urdaneta City, partikular ang Liga ng mga Barangay sa Urdaneta, na bumuo ng Team ABC kalaban ang Team Psalmstre na pinangunahan ni Kapamilya actor at New Placenta for Men endorser Ejay Falcon. Kasama ni Ejay sa kanyang koponan sina Puerto Rican New Placenta for Men international brand ambassador at Mr World 2016 1st runner-up Fernando Alvarez, 2012 Mr Manhunt June Macasaet, Mr International 2013 3rd runner-up Gil Wagas, Kapuso actor at StarStruck alumnus Dion Ignacio, Mr Olive-C 2014 Ryan Paul Artienda, kasama ang mga actors na sina Dex Quindoza at Lance Serrano. Ang Basketball with the Stars ay isang serye ng sports charity event ng Psalmstre Enterprises, Inc., may gawa ng New Placenta at Olive-C skin care lines. Ito ay para mangalap ng pondo para sa mga less privileged children ng lugar na pagsasagawaan ng liga. Inaasahan itong itatanghal sa buong taon ng 2017 sa tulong ng mga lokal na pamahalaan at Liga ng mga Barangay sa buong bansa. Samantala, ipinahatid naman ng PEI ang kanilang lubos na pasasalamat sa lokal na pamunuan ng Urdaneta City at sa mga residente ng siyudad sa mainit na pagtanggap sa nasabing event. “Simula pa lamang ito. Marami pang magaganap ng Basketball with the Stars sa iba’t ibang lugar sa bansa. Sana ay tangkilikin natin ang sports charity event na ito para na rin makapagbigay saya sa mga bata,” ani Jaime V. Acosta, CEO at founder ng PEI.